Kapag inaalat nga naman…(aka Ang Problema *bow*)

Ang problema nga naman, pag dumadating, talagang sinusulit ang oras nya (parang salot lang eh). At natataon pa na madami ka na ngang personal na problema (na ang dahilan rin ay ang bulok na sistema ng hustisya sa bansang ito), aba ito na namang mga lider ng iyong bansa (na talaga namang hikahos na at umaasa na lang sa TAX ng mga manggagawa at  OFW) ay ayun at nagpapasarap sa lupang banyaga. Kakarinig ko lang kahapon sa radyo nitong “dinner” ni PGMA sa isang kilalang  restaurant sa New York,  na umabot umano sa $20,000 USD (na ang katumbas ay mga kulang kulang sa 1 milyong piso). Grabe, yung halagang yon eh mareresolba na ang krisis pinansyal ng mga 5000 pamilya (ayon sa isang grupo) dito. May mga caviar at mga lobster salad pa akong naririnig sa menu. Eh kahit yung buntot ng lobster eh hindi ko pa natikman sa buong buhay ko. Ayos lang sana na magdinner sila doon kung hindi hirap at gutom ang mga tao dito sa Pilipinas. Kaya nakakadismaya, kuba ka nga sa pagkayod, yung tax mo na pagkalaki-laki eh winawaldas lang pala nila! Talagang Adobe Photoshop na ang kakapalan ng mga mukha! Kahit pa sabihing so Congressman ang nag-foot ng bill mula sa sarili nyang pera (w/c I seriously doubt), wala ba silang mga delikadesa??

At sa mga personal ko namang problema, na gabundok talaga at hindi ko na ididitalye. Ang ikinakainis ko ay halata namang mali ang ginawa ng kabilang panig (kahit basahin mo ang konstitusyon), ay nagiging tama sa tingin ng ilan (ang mga hinayupak na barangay officials, police at PAO), dahil sa may pera at impluwensya yung kalaban. Katulad ng advice ng isa kong kamag anak “e dapat kayo ang magpakumbaba, wala kasi kayong pera”. Samakatwid, wala ka nang karapatang ipaglaban kung ano ang tama dahil wala kang salapi?? Kailan pa naging Plutocracy ang sistema ng bansang ito?? Kung sabagay parang ganoon na rin naman eh. Nagtataka pa ang ilan kung bakit panay ang alis ng mga tao dito.

Sana lang itong krisis na dinadanas namin e hudyat ng mas maayos na panahon na darating. Sabi ng iba, “The Sun Shines at Midnight.” Hindi lang ito Midnight eh, Deep Space na (parang literal na binura ang nakaraang labing apat na taon ng buhay namin). Ang hindi ko lang maintindihan eh, wala naman akong pinatay, hindi naman ako manyak (heheh), meron akong ilang pagkakautang (na hindi ko naman kinakalimutan at balak ko pa namang bayaran); eh ako pa ang natamaan ng ganito kasagwang problema. Samantalang ang iba ay panay ang pangungurakot sa kaban ng bayan, eh lalo silang yumayaman. Wala yatang hustisya sa mundong ibabaw. Kay Joc Joc Bolante nyo na lang ilipat ang problemang ito Lord, please?

Sa totoo lang hindi talaga namin maintindihan kung papaano lalabas sa problemang ito (nang hindi nagkakalasoglasog), para kaming nabiktima ni Jigsaw. Inaamin ko naman na may pagkukulang rin ako, pero sana naman kung talagang may “divine power” nga, eh mabigyan ng konting break (nang hindi ko naman kailangang i-cannibalize ang sarili ko). Sabagay, baka naman binibigyan lang ako ng “material” para sa librong susulatin ko sa hiniharap.

Baka naman matanong pa kung bakit panay ang katchang ko dito? (hahaha) Wala naman, nagpapahayag lang ng opinion, na I’m sure entitled pa naman ako kahit sayad na sayad ang katayuan namin ngayon sa buhay.

P. S.

Wag magbasa ng mga gawa ni Joseph Conrad pag marami kang problema.

Pansin ko rin lang, “when things get messy, you are on your own”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s